Monday, May 7, 2012

Tulfo Brothers Erwin, Ben and Raffy Threaten Claudine Barretto and Raymart Santiago (Video)

Tulfo Brothers Erwin, Ben and Raffy Threaten Claudine Barretto and Raymart Santiago (Video)

www.showbiznest.com

As expected Mon Tulfo's brothers Erwin Tulfo, Ben Tulfo and Raffy Tulfo, through their daily afternoon show on TV5 called "T3", sent a strong messages to husband and wife Raymart Santiago and Claudine Barretto, regarding the violent fight that happened between the couple and their brother Mon at NAIA 3 terminal on Sunday afternoon, May 6.



Watch the video below:




Read full transcript below:
Ben Tulfo: Ito mahirap para sa amin. At madaling magsalita baka madulas kami. Pero sa ngalan ng patas to eh. Baka kase isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3 dahil Tulfo ang sangkot dito. Ayaw ho naming mag-interview ng kapwa Tulfo, sa isang Tulfo ng isyung Tulfo. So, yung word na gagamitin namin at the same time yung ethics na gagamitin namin eh 'di kame mag-i-interview bagama't masama ang loob namin doon sa mga sangkot...pakinggan nyo ang sasabihin ko...read my lips.
Raffy Tulfo: Ang masasabi ko 'to. Raymart Barretto kanina ko pa ito sinabi sa Radyo sa Balitaang Tapat, swerte ka dahil marami kang kasama eh at nag-iisa yung Kuya ko eh. Ganunpaman I'm very proud of my Kuya may tinamaan sa inyo. Kase kung yung Kuya ko lang one-on-one kayong dalawa baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali bali ka dahil yung Kuya ko eh, talaga namang alam ng lahat na martial arts expert sya, Aikido. Swerte lang kayo dahil ang dami nyo. Pero kung one-on-one....Wag lang sana tayong mag-inabot sa mall, idasal mo hijo de-P.I. ka na wag sana tayong magkita sa mall. Ipag-dasal mo. Tumirik ka ng kandila mula ngayon na wag na wag mag-krus ang landas natin. P.I. ka.

Erwin Tulfo: Isa lang masasabi ko dyan kay Raymart Santiago at kay Claudine Barretto, alam nyo na-tyempuhan nyo lang talaga na nag-iisa yung Kuya ko dahil kung siguro nagkasabay kame sa eroplano kahapon...nauna lang sya dahil pareho kameng galing Davao, nauna lang yung Utol ko eh, di mangyayari yun Pare ko. Dalawa lang patutunguhan nun, either ini-interview ako sa loon ng kulungan o ini-interview ako na nagsasalita ako ngayon. Pero ito lang ang mensahe ko sayo Mr. Santiago at Ms. Barretto - saksakan kayo ng sinungaling. Maraming...kahit sinong tanungin nyo sa airport, natatawa ang mga tao roon na hindi nauna yung Kuya ko nagbitaw ng suntok. Lalo na kay Claudine, wala sa ugali ng Tulfo ang manakit ng babae. Ni pagalitan nga itong Raffy dahil di nagagalit sa babae basta kahit mali. Napaka-saksakan kayo ng sinungaling. At ikaw Mr. Raymart Santiago malakas ang loob nyo dahil kinuyog nyo ang Utol namin. Eh masarap sana siguro kung 4-on-8 eh kayang kaya namin eh. Apat kame vs. walo kayo. Tama itong sinabi ni Raffy, tayo din eh nagkikita sa airport, ipagdasal mo lang muna at pinapayo ko syo at sa asawa mo, wag ka muna lumabas ng bansa dahil pag nagpang-abot tayo sa NAIA Terminal 1, Terminal 2, Terminal 3 tatamaan at tatamaan ka wala akong pakialam, pati asawa mo tatamaan sakin. Ipagdasal mo na lamang na wag tayo mag-krus ng landas.
Ben Tulfo: Pero sa akin isa lang ang gagawin ko, Raymart pakinggan mo sasabihin ko - binabangga ko ang mga kriminal, mamamatay tao, matinong tao pero kung gusto mo malaking warehouse sarado, mag-aantay mga ambulansya, last man standing, lalabas sa loob, magsasara tayo ng pinto. Titingnan ko ang galing mo.

Erwin Tulfo: 'Di pa tayo tapos Raymart, di pa tayo tapos. Antabayan mo lang ang lintik na ganti ng Tulfo

Just this morning, on his interview at ABS-CBN daily morning show Umagang Kay Ganda, Mon Tulfo said that his brothers' reactions, moreso the threath they put on Claudine and Raymart, were really uncalled for.

The oldest Tulfo said:

Alam mo, maling-mali sila doon. Pinagalitan ko sila, sabi ko bakit naman ganoon?

"Alam mo ‘yung bugso lang ng damdamin, they realized their mistakes. Sinabi ko nga na maling mali ‘yung sinabi niyong ‘yan. Dapat hindi niya sinabi ‘yan. Unang una ‘yung public opinion ay nasa atin na and pangalawa ‘yung revenge is the lowest form of retaliation, yun ang sabi ko.'

"Alam naman nila na nagkamali sila at nagsisisisi sila. Ako kasi ang pinakamatanda sa magkakapatid. Nagsilbi nga akong magulang sa kanila noong nag-aaral pa sila. Sabi nila 'Oo nga kuya, nadala lang kami noong nakita naming ikaw ay aping-api.'"

0 comments:

Post a Comment